Umabot na sa P202.5 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 matapos walang nanalo noong Lunes.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng PCSO na magkakaroon ng lotto draw sa mismong araw ng Pasko at Bagong Taon.
Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 draw tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.
Simula noong nakaraang taon, mas pinaigting ng PCSO ang kanilang kampanya para pataasin ang jackpot prize sa iba’t ibang lotto games sa ilalim ng “Handog Pakabog” jackpot raising scheme.
Hinikayat ni Robles ang publiko, na suportahan ang mga gaming product ng PCSO upang makalikom ng karagdagang pondo para sa mga serbisyong pangkalusugan, medikal, at iba pang national charities. | ulat ni Diane Lear