Isinagawa ng Department of Health (DOH) XI ang turnover ceremony para sa siyam na land ambulance na nakatalaga sa walong bayan at isang syudad sa Davao Oriental.
Kabilang dito ang bayan ng Boston, Cateel, Baganga, Caraga, Manay, Tarragona, Lupon at San Isidro at Mati City.
Ang turnover ceremony ay pinangunahan ni DOH XI Assistant Regional N. Y. Director Dr. David Mendoza, kasama niya ang Provincial DOH Office sa pangunguna ni Dr. Grace Beguia at Engr. Divine Sonido sa Health Facility Enhancement Program.
Ang naturang turnover ay personal na sinuportahan ni Senator Christopher Bong Go.
Ang siyam na ambulansya ay tinanggap ng local goverment units at health officers ng mga munisipalidad at siyudad na nabanggit.
Ayon sa DOH XI, ang mga ambulansya ay mga instrumento at malaking bahagi para makapagbigay ng responsive at dekalidad na health care services, at mahalaga para makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan, lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar. | ulat ni Nitz Escarpe, Radyo Pilipinas Davao