Isinailalim ni Fire Supt. Jacqueline S. Ortega, Provincial Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) Zamboanga Sibugay, sa Operational Readiness and Site Inspection and Troop Evaluation o ORSITE ang lahat ng mga fire station sa lalawigan.
Ang inisyatiba ay may kaugnayan sa OPLAN Iwas Paputok 2024, na naglalayong siguraduhin ang operational readiness ng mga personnel, kagamitan, at ang reinforce fire safety measures sa panahon ng kapaskuhan.
Ang bawat fire station ay maiging siniyasat upang matiyak ang mabilis at epektibong pagresponde sa emergencies, partikular na sa mga firecracker-related incident.
Binigyang-diin ni Supt. Ortega ang kahandaan at kolaborasyon, sabay ang panawagan sa mga komunidad na sumunod sa fire safety precautions upang maiwasan ang mga aksidente sa panahon ng selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Supt. Ortega, ang BFP ay nananatiling tapat sa kanyang commitment sa pagprotekta sa buhay at mga propyedad ng mamamayan, para matiyak ang ligtas at masayang kapaskuhan ng bawat isa. | ulat ni Lesty Cubol, Radyo Pilipinas Zamboanga
📸 BFP Zamboanga Sibugay