Basilan solon, hiniling sa DBM na tiyaking may pondo pa rin ang Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanawagan si Basilan Rep. Mujiv Hataman sa pamahalaan, partikular sa DBM na siguruhing may pondo pa rin ang operasyon ng Provincial Government ng Sulu.

Bunsod pa rin ito ng desisyon ng korte suprema na hindi na kasama sa BARMM.

Giit niya, hindi maaaring maantala ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Sulu para sa mga residente nito.

“Nananawagan ako sa DBM at iba pang ahensya na tiyakin ang pondo para sa lalawigan. Karapatan ito ng bawat mamamayan sa Sulu mula sa national government,” ani Hataman.

Paalala niya dahil sa nito lang ibinaba ang desisyon ay hindi na napasama sa 2025 National Budget ang panggastos ng Sulu.

Tinataya aniya na mangangailangan ang Sulu ng nasa P9 billion na pondo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us