Suportado ni Senate Minority leader Koko Pimentel ang desisyon ng Department of Health (DOH) na hindi na imandato ang pagprepresenta ng mga senior citizen ng kanilang booklet para makakuha ng discount sa mga gamot.
Ayon kay Pimentel, malaking tulong ito para sa mga senior citizen.
Katunayan, maituturing aniya itong Christmas gift para sa 9.2 million senior citizens sa bansa.
Binigyang-diin ng minority leader ang kahalagahan ng pagtitiyak ng access sa abot-kayang healthcare para sa mga senior citizen.
Pinuri rin ni Pimentel ang DOH para sa pagpapatupad ng hakbang para mas mapabilis ang proseso at gawing mas madali para sa mga senior citizen na makuha ang kanilang mga benepisyo.
Samantala, nanawagan rin si Pimentel sa mga lokal na pamahalaan na gawing mas simple ang pamamahagi ng Christmas gifts para sa mga senior citizen.| ulat ni Nimfa Asuncion