Tiniyak ng Department of Agriculture na nakalatag na ang mga intervention nito para sa mga magsasaka at mangingisdang maapektuhan ng pagtama ng Bagyong Betty.
Sa tantsa ng DA, nasa higit 234,000 na ektarya ng palayan at maisan ang posibleng tamaan ng bagyo sa apat na rehiyon sa bansa.
Sa ngayon ay aktibo na umano itong nakikipag-ugnayan sa mga LGU at iba pang Regional DRRM offices para sa sitwasyon ng nga apektadong rehiyon.
Nakapreposisyon na rin ang halos 700,000 sako na binhi ng palay at mais, 20,454 kgs ng iba’t ibang klaseng vegetable seeds, fingerlings at iba pang tulong para sa livestock at poultry sector.
Bukod rin sa Quick Response Fund ay siniguro ng DA na pagaganahin nito ang Survival and Recovery o Sure Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para matulungang makarekober ang mga magsasaka na maaapektuhan ng Bagyong Betty. | ulat ni Merry Ann Bastasa