Dahil sa mas maaliwalas ang panahon ngayong araw mas marami na ang namasyal at namimili sa bazaar sa River Banks Center sa Marikina City.
Tampok dito ang bazaar kung saan makakabili ka ng mga damit, laruan, at sapatos. Para sa mga hahabol pa sa holiday shopping.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakapanayam ang ilang mga nagtitinda sa mga stall.
Anila, matumal daw ang bentahan kahapon kahit Pasko dahil na nga rin sa maulang panahon. Pero ngayon inaasahan nilang sisigla ulit ang kanilang benta dahil hindi na umuulan.
Para sa mga presyo:
Damit pambata at pangmatanga nasa P150 hanggang P500
Polo – P350 hanggang P400
Dress – P500 pero depende sa tela
Yung mga tsinelas P 150 – P200
Yung mga laruan naman gaya ng lutu-lutuan at toy truck nasa P200 hanggang P280
Bukas ang bazaar sa Marikina River Banks simula 2 PM hanggang 12 MN. | ulat ni Diane Lear