Amyenda sa Safe Spaces Act, tutugon sa mga hamong dulot ng AI at Deepfakes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong sa Senado ang amyenda sa Safe Spaces Act para matugunan ang makabagong hamon na dala ng Artificial Intelligence (AI) at iba pang nabubuong makabagong teknolohiya.

Sa pagpresenta ni Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros sa Senate Bill 2897 sinabi nitong sa ilalim ng panukala ay magkakaroon ng proteksyon laban sa mga deepfake at pornography materials na nabubuo gamit ang mga makabagong teknolohiya.

Tugon, aniya, ito sa panawagan ng publiko, lalo na ng mga batang babae sa mga paaralan na amyendahan ang batas.

Ayon kay Hontiveros, sa tulong ng panukalang ito ay magkakaroon na ang mga biktima ng remedyo para mapa-take down o mapabura sa internet ang mga digital images na lumalabag sa panukalang batas na ito.

Dinagdag rin ng senador na tutugunan rin ng panukala ang mga kaso ng teacher-predators sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga adult na nagtatrabaho malapit sa mga bata ay walang history ng predatory behavior.

Tataasan rin ng panukala ang parusa para sa gender-based harassment na nangyayari sa mga paaralan at lugar-paggawa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us