Umapela ang isang mambabatas sa mga kinauukulang ahensya na tiyakin na may natatanggap ding benepisyo ang mga persons deprived of liberty (PDL) na senior citizen.
Hinimok ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang Department of Social Welfare and Development (DPWH) na makipagtulungan sa Department of Justice (DOJ), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Corrections (BuCor) na matanggap ng mga nakatatandang PDL ang kanilang benepisyo salig sa batas.
Paalala niya na walang diskriminasyon ang batas pagdating sa kapakanan ng mga senior citizen.
Partikular na hiling ng mambabatas ay makapaglabas ng direktiba ang DSWD at DOJ na maisama sa indigent pension program ang mga senior na PDL at mairehistro din sila sa PhilHealth.
“I specifically appeal to DSWD Secretary Rex Gatchalian and Justice Secretary Crispin Remulla to please issue the necessary directives to include all senior citizens in the indigent seniors’ pension program. And register all of them with PhilHealth. The elderly in local jails can qualify for LGU allowances to seniors because their LGUs can be ascertained and will be near the jails where they are,” sabi ni Ordanes.
Ang mga allowance aniya na ito ay makatutulong sa PDL at kanilang pamilya.
Paraan din aniya ito para mapadali ang kanilang reintegration o pagbabalik sa lipunan oras na makalaya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes