Nadagdagan pa ang kaso ng fireworks-related injuries sa Quezon City.
As of December 26, batay sa ulat ng mga ospital sa lungsod, may apat na bagong kaso pa ang nadagdag, para sa kabuuang walong kaso.
Apat sa mga biktima ay mga batang nasa edad 12 taong gulang pababa.
Kasalukuyang nagpapagaling ang 7 sa mga biktima matapos masuri at magamot ng doktor, habang ang 1 ay inilipat sa ibang pagamutan.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ang publiko na huwag gumamit ng anumang uri ng paputok. Sa halip, mga alternatibong pampasigla na lamang katulad ng torotot, tambol, at musika, o kaya ay manood na lang sa mga awtorisadong community fireworks. | ulat ni Merry Ann Bastasa