Rice for All Program ng Marcos Administrasyon, malaki na ang naitapyas sa presyo ng bigas sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsisimula na ang mga rice retailer na ibaba ang presyo ng kanilang bigas kasunod ng matagumpay na implementasyon ng Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program sa Metro Manila.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program ay isang inisyatibong inilunsad ng DA, local dealers, importers at wholesalers, katuwang ang suporta ng Philippine National Police (PNP).

Layon ng programa na masiguro ang mabilis na distribusyon ng abot-kayang bigas sa halagang P40 per kilo, na mayroong 25-kilogram limit kada mamimili.

Ayon sa pamahalaan at stakeholders, ang programa ay nakalikha na ng malaking tapyas sa presyo ng bigas.

Ang bigas na ibinibenta sa Kadiwa stores ay mas mura nang P3 hanggang P5, kumpara sa mga ibinibenta ng market retailers.

Ang mga market retailer naman, ibinababa na rin ang presyo ng kanilang bigas upang makasabay sa bentahan ng Kadiwa stores.

Ilan sa Kadiwa Stores, matatagpuan sa EDSA Balintawak Market Brgy. Balingasa, Quezon City, New Marulas Public Market sa Brgy. Marulas, Valenzuela City, at Malabon Central Market sa Brgy. Tañong, Malabon City.

Target ng Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program na mas maraming consumer ang mapaglingkuran para sa pagsalubong sa 2025. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us