Party-list solon, umaasa na mapagtibay na sa 2025 ang Magna Carta of Brgy Health Workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na umaasa si BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co na maisasabatas na ang Magna Carta of Barangay Health Workers.

Aniya, nakalagpas na ito sa Kamara at nasa kamay na ng Senado.

Nangako naman aniya ng suporta sina Senate President Chiz Escudero at Senator JV Ejercito sa panukala, kaya positibo siya na pagsapit ng 2025 sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ay tuluyan na itong mapapagtibay.

Giit niya na para ito sa kapakanan ng nasa 200,000 BHWs sa buong bansa.

Tutugunan nito ang dekada nang isyu ng tamang kompensasyon, benepisyo at security of tenure ng mga BHW.

“Konting tumbling na lang magiging batas na ang Magna Carta of Barangay Health Workers. Sobrang daming tumbling na namin sa BHW Party-list at BHW federations, pero hindi kami titigil hanggang hindi nagiging batas at naipapatupad nang maayos ang Magna Carta for BHWs.” ani Co | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us