Magbibigay ng P500,000 na pabuya si House Speaker Martin Romualdez sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang mga sangkot sa pagkasawi ng chemical engineering student mula Adamson University na si John Mathew Salilig.
Nadiskubre ang katawan ni Salilig sa isang open field sa Imus, Cavite at hinihinalang biktima ng hazing.
Mariin ding kinondena ng House leader ang insidente at sinabing walang puwang sa isang sibilisadong lipunan ang marahasang pagpatay.
Wala rin aniyang pagpapahalaga sa buhay ang mga sangkot sa krimen.
Dagdag pa nito na kung siya na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal na krimen, ay paano na lamang ang pamilya at magulang ni Salilig.
“A loss of life is not acceptable in a civilized society like ours. Brothers do not kill brothers. Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation.โ saad ni Romualdez.
Pagsisiguro ni Romualdez, patuloy na makikipagtulungan ang Kamara sa mga awtoridad upag makamit ang hustisya at matiyak ang mas ligtas na kapaligiran para sa mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes