Pinasinungalungan ng Bicameral Conference Committee ang mga naglabasang maling impormasyon kaugnay sa nilalaman ng 2025 General Appropriations Act.
Ayon sa Bicam, nananatiling ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon ng pondo ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Nilinaw din nito na sinunod nila ang probisyon ng Konstitusyon kung saan dapat prayoridad sa may malaking pondo ang edukasyon.
Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act na pinirmahan ni Pang. Bongbong Marcos Jr, nasa 1. 055 trillion ang nakalaang pondo sa edukasyon.
Kasama dito ang budget ng Department of Education na nasa 782.171 billion Commission on Higher Education na may 34. 883 billion, Technical Education Skills Development Authority na may 20. 979 billion at Local Government Academy na may 529 million.
Binigyan din ng 1. 365 billion 637 ang Philippine National Police Academy, Philippine Public Safety College 994 million, National Defense College of the Philippines na 334 million, Philippine Military Academy na 1.7 billion, Philippine Science High School na 2.8 billion at Science Education Institute na may 7.4 billion.
Sa 2025 Budget, pangalawa lamang ang DPWH sa may malaking alokasyon na nasa 1.033 trillion pesos para sa feasibility study, access road para sa mga airports, sea ports, at railway system.
Kasama rin sa budget ng DPWH ang mga irrigation system, tourism access road, trades, industries and economic zone, Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad Program, Water Supply at Public Health Facilities. | ulat ni Michael Rogas