Dagsa na ang mga mamimili rito sa Marikina Public Market ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Mabenta na rin ang mga bilog na prutas na pinaniniwalaang pampaswerte.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, tumaas na rin ang presyo nito ng P10 hanggang P20 partikular na ang pakwan, melon, suha, at honey dew.
Nakapanayam din natin ang isa sa mga nagtitinda ng prutas dito sinabi niya na kahapon nagsimulang dumagsa ang mga mamimili.
Para sa presyo:
Grapes – P200 kada kilo
Saging – P95 kada kilo sa lakatan at P75 kada kilo sa Latundan
Pakwan – P70 kada kilo
Kiat-kiat – P100
Apple – P40 ang isa
Orange – P100 kada tatlong piraso.
Hanggang bukas ng umaga naman inaasahang dadagsa ang mamimili rito sa Marikina Public Market.| ulat ni Diane Lear