Tama lang na maipatupad na ang Free Trade Agreement ng Pilipinas sa South Korea, ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Ang pahayag na ito ay matapos ilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang executive order para maging epektibo na bawas o inalis na tariff rates para sa ilang mga produkto, alinsunod sa Philippines-South Korea Free Trade Agreement.
Sinabi Pimentel na naratipikahan at sinang-ayunan na ng senado ang Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea kaya dapat lang na simulan na itong ipatupad.
Ang inilabas na Executive Order No. 80 ng Malacañang ay bahagi aniya ng pagpapatupad ng naturang tratado.
Simula bukas, December 31, ay magiging epektibo na ang bagong binawasan o tinanggalan ng taripa na mga produkto mula agricultural produce hanggang sa mga sasakyan at industrial goods.
Sa ilalim ng FTA, ang South Korea ay magkakaloob ng duty free entry o tatanggalan ng taripa ang nasa 11,164 na mga produkto na nagkakahalaga ng 3.18 dollars o 87.4 percent ng kabuuang korean imports mula sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion