Tuloy-tuloy na nakatutok ang Department of Social Welfare and Development sa sitwasyon sa mga lalawigang inaasahang tatamaan ng Bagyong Betty.
Ngayong araw, muling pinulong ng DSWD sa pangunguna ni Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Dr. Diana Rose S. Cajipe ang Field Offices (FOs) sa kanilang preparedness measures.
Ayon sa DSWD, activated na ang mga Emergency Operations Center (EOC) at Quick Response Teams (QRTs) sa regional at provincial levels para sa agarang paghahatid ng relief augmentation at technical assistance sa mga LGU.
Tiniyak naman ng kagawaran na bukod sa higit isang milyong relief items na nakapreposisyon na sa mga rehiyon ay mayroon din itong nakalaan nang higit ₱2 bilyong halaga ng stockpiles at standby funds.
Nasa ₱505 milyon dito ang available standby funds sa DSWD Central Office at field offices.
Kaugnay nito, patuloy namang pinapayuhan ng DSWD ang publiko na makinig sa abiso ng kanilang mga lokal na pamahalaan kaugnay ng update sa bagyong Betty. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DRMB