TESDA, tiniyak na palalakasin pa ang technical vocational training sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na dapat nang asahan ang mga makabago at napapanahong Technical Vocational Education and Training (TVET) nito sa 2025.

Pangako ng TESDA, na mas aayusin pa nito ang kanilang mga programa at serbisyo para makatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Paliwanag ng TESDA, na sa ilalim ng pamunuan ni Secretary Jose Francisco “Kiko” B. Benitez, patuloy na nire-realign ang TVET programs ng ahensya para makasabay sa nagbabagong demand ng labor market.

Nakipag sabayan din ang mga programa ng TESDA para maging angkop sa pag iiba ng takbo ng ekonomiya, at patuloy na pag unlad ng teknolohiya.

Dahil dito ay ipinagmalaki ng TESDA, na ang mga Pinoy worker ay nananatiling competitive mapa loob o labas ng bansa, dahil inuuna ng TESDA ang industriya sa pakikipagsosyo at pagpapakilala sa mga advance na mga aralin. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us