Lady solon, umaasang magiging halimbawa ang Bohol sa responsableng pangangalaga sa mga geological heritage ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senate Committee on Tourism Chairperson Senadora Nancy Binay na magiging template ang Bohol para sa pambansang pamahalaan at iba pang mga lokal na pamahalaan kung paanong responsableng matatahak ang pag-unlad.

Ginawa ng senadora ang naturang pahayag matapos ideklarang UNESCO Global Geopark ang isla ng Bohol.

Giit ni Binay, malaking hakbang ito para sa mga residente ng Bohol at sa bansa.

Aniya, ang pagiging unang UNESCO Global Geopark ng Bohol ay magbibigay ng mahusay na direksyon para sa pangangalaga at proteksyon ng mga geological heritage ng Pilipinas.

Pinunto ng mambabatas na ang Pilipinas ay mayroong mga likas na kayamanan na pinahahalagahan ng buong mundo at maaari nating gamitin para sa pag-unlad ng ating bansa.

Pinakita aniya ng Bohol na posible ang sustainable ecotourism at development sa pamamagitan ng paggamit ng natural resources, pero hindi sa punto ng pag-abuso, at grounded sa idea na kailangan itong protektahan, pangalagaan, at palaguin. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us