NGCP, dapat ibalik sa mga consumer ang mga siningil nila para sa mga delayed na proyekto — mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat i-refund o ibalik ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga konsumer ang mga siningil nilang bayad para sa mga proyektong hindi pa nila natatapos o nasisimulan man lang.

Ito ang iginiit ni Senador sherwin gatchalian kasabay ng panawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) na i-evaluate at kwentahin ang mga siningil ng NGCP para sa delayed projects.

Ayon kay Gatchalian, hindi dapat ang taumbayan ang nagsasakripisyo sa pagpapabayang ginagawa ng NGCP kaya hindi pa nila natatapos ang 72 na mga proyekto kabilang na dito ang anim na may national significance o mahalaga para sa buong bansa.

Pinunto ng mambabatas na kadalasan ay nagbabayad ang mga consumer ng 3 percent ng buwanang electric bill para sa transmission fee, pero maaari pa itong tumaas sa ilang mga lugar sa bansa.

Aniya, panahon na para mapatawan ng multa ang NGCP at atasang ibalik sa mga konsumer ang siningil nila para sa delayed projects.

Naniniwala rin si Gatchalian na sa dami ng mga paglabag ng NGCP ay karapat-dapat na silang tanggalan ng prangkisa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us