Nanatiling normal ang operasyon ng mga electric cooperative sa Northern Luzon na ang coverage areas ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal.
Ito’y base sa ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department.
Sa kabuuan, may 18 electric cooperative ang tuloy-tuloy ang operasyon kabilang ang Cagayan Electric Cooperative o CAGELCO 1 at 2 at Batanes Electric Cooperative o BATELCO.
Gayunman, inabisuhan pa rin ang mga electric cooperatives sa buong bansa na maging handa sa epekto ng bagyong #BettyPH.
Mahigpit ang utos ng NEA sa mga ECs na magsagawa ng naaangkop na mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng bagyo.
Inabisuhan din sila na panatilihing naka-monitor sa PAGASA para sa lagay ng panahon. | ulat ni Rey Ferrer