Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ilang beses niyang binigyan ng babala ang Gentle Hands, Inc. Orphanage bago ipinasara.
Tugon ito ng kalihim sa pahayag ng pamunuan ng private orphanage na hindi sila binigyan ng due process.
Paliwanag ng kalihim, bago nag-isyu ng Cease-and-Desist Order ang DSWD ay tatlong beses na pinadalhan ng liham ang GHI Inc. para tugunan ang kanilang mga paglabag.
Una ay noong buwan ng Agosto 2022, sunod ay noong Pebrero at Marso ngayong taon.
Tuluyang isinara ang GHI nang mabigo silang tugunan ang mga paglabag na mapanganib sa buhay at kaligtasan ng mga kabataan. | ulat ni Rey Ferrer