DENR, pinatutugunan sa LGUs ang mga natambak na basura matapos ang holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng LGU sa kanilang obligasyon sa tamang disposal ng mga naiwang basura mula nitong holiday season.

Kasunod ito ng ilang mga ulat na nagkalat pa rin ang tambak na basura sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sa isang pahayag, tinukoy ng DENR ang umiiral na RA 9003, o Solid Waste Management Act na nagmamandato sa LGUs na magpatupad ng mga plano sa pamamahala ng solid waste na aprubado ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC).

Ayon pa sa ahensya, maaaring magkasa ng imbestigasyon ang NSWMC sa mga LGU na hindi nagagampanan ang kanilang obligasyon.

“The DENR, therefore, would like to reemphasize the vital importance of effective waste management in safeguarding public health and protecting our environment on the part of the local government units.”

Nakahanda naman aniyang magbigay ng technical assistance ang DENR sa mga LGU para maasikaso na ang kanilang garbage disposal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us