Sulit rice, malapit nang mabili sa Kadiwa ng Pangulo sites — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malapit nang makabili ang publiko ng mas mura pang bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo centers.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., isinasapinal na ang opisyal na rollout ng Sulit Rice program kung saan ibebenta ang tinawag na ‘Sulit Rice’ na “100% broken” at magkakahalaga lang ng ₱36 kada kilo.

Sa ngayon, ongoing na aniya ang trial run ng programa sa dalawang Kadiwa ng Pangulo sites sa Metro Manila at positibo naman ang tugon dito ng mga mamimili.

Tina-target naman ng DA na maging available ang mas murang bigas sa lahat ng 24 na Kadiwa ng Pangulo sites sa palengke, at piling LRT at MRT stations.

Posible ring palawakin ang bentahan nito maging sa Central Luzon at Calabarzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us