Sang-ayon si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa urgent bill certification na ibinigay ng Malacañang sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Sinabi ito ni Villanueva, kasunod ng naging pahayag ni Minority Leader Koko Pimentel na unconstitutional ang urgent bill certification sa naturang panukala.
Paliwanag ngayon ng majority leader, ang urgent bill certification ay ginagawa ng Pangulo ng bansa para sa mga panukalang batas na kailangan, na layong tugunan ang anumang public calamity o emergency.
Iginiit ng senador, sa kasalukuyan ay nasa emergency situation pa rin ang ating bansa.
Kabilang sa mga ipinunto ng Malacañang na justification sa urgent bill certification ay ang downgrade ng global grade projection, inflation, presyo ng produktong petrolyo, interest rate at iba pang epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas.
Binigyang diin ni Villanueva, na ang public emergency ay nasa desisyon ng pangulo ng bansa at siya lang ang may ganitong impormasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion