Pormal na pinagtibay ng Kamara ang House Concurrent Resolution No. 9 na nagpapahintulot kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chair Delfin Lorenzana at Commission on Audit Chair Gamaliel Cordoba na tanggapin ang pagkilala mula sa Japan government.
Ang Order of the Rising Sun ay igagawad sa dalawang opisyal dahil sa malaking ambag sa Philippines-Japan relations; sa larangan ng defense and security operations kay Lorenzana bilang dating kalihim ng National Defense; at sa information and technology naman kay Cordoba na dating National Telecommunications Commission (NTC) Chair.
Salig kasi sa Article IX, Sub-Article B, ng Civil Service Commission at Section 8 ng Saligang Batas, hindi maaaring tumanggap ng dagdag, doble o indirect compensation ang isang halal o hirang na opisyal o empleyado ng gobyerno nang walang pahintulot ng isang batas.
Hindi rin sila maaaring tumanggap ng anumang regalo, kabayaran, opisina o titulo mula sa foreign government nang walang pagpayag mula sa Kongreso. | ulat ni Kathleen Jean Forbes