Pangulong Marcos Jr., pinatitiyak sa bawat kagawaran na walang mga proyektong mabibitin at di matatapos sa itinakdang timeline

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kanyang tinututukan ang mga proyektong nakalatag sa bawat departamento.

Ang pagtiyak ay ginawa ng Punong Ehekutibo kasunod ng isinagawang kauna-unahang full cabinet meeting sa taong ito, na isinagawa kahapon.

Ayon sa Pangulo, pinatitiyak niya sa mga miyembro ng gabinete na walang malalaking proyekto ang maiiwan sa gitna ng mga nakalinyang big ticket projects ng kanyang administrasyon.

Binigyang diin ng Chief Executive, na nais niyang matiyak na matatapos ang mga proyekto sa itinakdang panahon at walang magaganap na pagkaantala sa alin man sa mga ito.

Kaugnay nito ay inilahad kahapon sa pulong balitaan sa Malacañang na nasa may 186, na flagship projects mayroon ang Marcos Administration.

Nasa 69 dito ay pawang infrastructure flagship projects na nasa ilalim ng Department of Transportation ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us