Aminado ang Department of Tourism (DOT) na nabawasan ang bilang ng mga turista na dumating sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, kailangan maka-recover ng bansa sa nawalang mga turista partikular mula sa top tourist market ng bansa na Tsina.
Kung ikukumpara aniya ang datos ng visitor arrivals simula 2019 at ng 2024, malaki ang nawalang turista mula sa China.
Sa kabila nito ay una nang sinabi ni Frasco na bagamat aminado sila sa nasabing pagsubok ay wala naman aniya ito sa control ng kanyang ahensya.
Paliwanag ng kalihim, na maraming pagsubok ang kinaharap ng bansa nitong nagdaang taon gaya ng mga pagsubok sa ekonomiya, kalikasan at maging sa geopolitical, kung saan hindi kontrolado ng DOT.
Bukod pa aniya dito ang visa liberalization delays kumpara sa mga kakumpitensyang bansa.
Dahil dito ay binigyang diin ni Frasco, na hindi na susukatin ng DOT ang lagay ng turismo sa bilang ng turista at sa halip ay tutukan ang mas mahahalagang numero, gaya ng laki ng kinita ng bansa mula sa mga nasabing turista. | ulat ni Lorenz Tanjoco