Pagsasara ng small-scale rice at corn mills sa may 1,000 barangay sa nakalipas na isang dekada, pinaiimbestigahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapasilip ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa Kamara ang napaulat na pagsasara ng mga maliliit na gilingan o mills ng palay at mais sa may 1,000 barangay, dahil sa pagsulpot ng mga malalaking gilingan at pagpasok ng mas mura at imported grain supplies.

Sa kaniyang House Resolution 2150, nais malaman ng kinatawan kung ano ang epekto nito sa kabuhayan at food security ng bansa.

Kailangan aniya suriin agad ang usaping ito dahil kung hindi ito matutugunan, posibleng dumami pa ang magsasarang rice at corn millers sa mga susunod na taon.

Pangamba pa ng kinatawan, na baka lalong bumaba ang kita at produksyon ng mga magsasaka na siya namang magpapalayo sa katuparan ng food security sa bansa.

Ayon sa datos ngPhilippine Statistics Authority, mayroong 15,436 barangays na may gilingan ng palay at mais nitong 2023.

Mas mababa ito ng 6.3% kumpara noong 2013 na may 16,476 barangays. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us