Kumbinsido ang Palasyo na napag-aralang mabuti ang ipatutupad na ngayong increase sa kontribusyon ng Social Security System (SSS).
Pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang ganitong mga pagtataas ay may pinagbabasehan kayat mahirap sa kabilang banda na sabihin na lang na huwag magtaas.
Mas maigi ayon kay Bersamin, na pabayaan muna ang management o pamunuan ng SSS na ikasa ang implementasyon ng dagdag kontribusyon sa pagbabayad ng SSS.
Dagdag ni Bersamin, na kung panghihimasukan nila ang SSS na nakakaunawa at may kakayahan sa pagpapatupad ng nasabing hakbang ay hindi magiging epektibo ang nilalayon ng additional contribution.
Kaya ang maigi sa ngayon sabi ni Bersamin, hayaang gumulong ang proseso at hintayin ang resulta sa projection ng ahensiya. | ulat ni Alvin Baltazar