Target ng Department of Education (DepEd) na resolbahin ang nasa 165,000 classroom backlog sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, tinatayang aabot sa P37.5-B hanggang P60-B ang magagastos sa proyekto sa ilalim ng PPP Infrastructure Project.
Inaasahang makalilikha aniya ito ng nasa 18 libong trabaho at pakikinabangan naman ng mahigit sa 600 libong mag-aaral sa buong bansa.
Kasunod nito, sinabi ni Angara na nais nilang masimulan ang pagpatayo sa mga silid-aralan na nasa 15 libo na inaasahang makukumpleto sa 2027. | ulat ni Jaymark Dagala