QC Red Cross, naglabas ng safety tips bago umalis ng bahay papunta sa Traslacion 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

May paalala sa publiko ang Quezon City Red Cross para maging handa at ligtas bago magpunta sa Traslacion sa Quiapo, Maynila lalo na bukas.

Payo ng QC Red Cross sa mga residente na tiyaking nakasara ang pintuan at mga bintana ng bahay bago umalis.

Ilan pa sa kanilang dapat gawin ang pagsusuot ng komportableng kasuotan para sa mahabang paglalakad.

Magdala din ng sapat na pagkain at inuming tubig at ihanda ang sarili para sa mahabang oras ng Traslacion.

Higit sa lahat, pinayuhan ang publiko na mag-download ng First Aid-IFRC app.

Sa pamamagitan nito makakakuha agad ng instant access para sa mga impormasyon na kinakailangan upang malaman ang pinakakaraniwang First Aid emergencies. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us