DOT, naglunsad ng Hop-On Hop-Off tourist transport system para sa mga local at foreign tourist na nais mag-ikot sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang magkaroon ng mas maayos at modernong tourist transport ang ating mga local at foreign tourist na nais mag-ikot sa kalakhang Maynila naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng Hop-On Hop-Off tourist transport.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng naturang programa na magkaroon ng contactless payment at booking ang mga turista na nais mag ikot sa mga makakasayang lugar sa Metro Manila partikular na sa lungsod ng Makati.

Dagdag pa ni Frasco na nais din niyang gawin ito sa ibat ibang mga tourist attractions sa bansa ngunit pag-aaralan muna nila kung ano ang magiging outcome nito sa kanilang paglulunsad sa lungsod ng Makati.

Matatandaang isa ang lungsod ng Makati sa dinagragsa ng mga turista sa Metro Manila kung saan nakapagtala ng nasa 969,927 na turista nitong 2022. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us