Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Binga dam sa Itogon Benguet.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, naibaba na ang water level sa dam sa 573.97 meters o mababa ng 1.03 meters mula sa normal water elevation na 575 meters.
Nilimitahan na rin ang pagpapakawala ng tubig sa Magat dam sa boundary ng Ifugao at Isabela.
May isang metro ang taas ng nag-iisang gate na binuksan at nagpapakawala ng tubig na 395.28 CMS o cubic meter per second.
Nasa 189.94 meters ang water level ng dam sa kasalukuyan na mababa sa normal water elevation na 193 meters. | ulat ni Rey Ferrer