13 Pinay surrogate mothers kasama ang kanilang baby, nakauwi na sa kanilang pamilya — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabalik na sa kanilang pamilya ang lahat ng 13 Pinay surrogate mothers at kanilang mga sanggol na pinauwi mula sa Cambodia.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit isang linggo din silang pansamantalang nanirahan sa shelter facilities ng DSWD dahil sa kaukulang proseso.

Ang natitirang limang surrogate mothers at dalawang sanggol ay naihatid na sa Mindanao gayundin ang tatlong ina at dalawang sanggol mula sa Haven for Women sa Muntinlupa City

Ang unang batch ng mga surrogate mother at isang sanggol ay unang nakauwi noong Disyembre 30 at 31 kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ang 13 surrogate mother ay kabilang sa 24 na dayuhang kababaihan na inaresto ng ng Cambodian authorities sa Lalawigan ng Kandal noong Setyembre 2024, sa mga kaso ng tangkang cross-border human trafficking.

Nakabalik sila ng bansa noong Disyembre 29, matapos makatanggap ng Royal Pardon kasunod ng apela ng Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us