2 Chinese passengers na may bogus travel docs, naharang sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Huli ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sinubukang lumabas ng bansa gamit ang mga pekeng immigration document.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, nasakote ang dalawa sa may departure area ng NAIA Terminal 3 nitong Linggo bago sumakay ng kanilang flight papuntang Bangkok.

Kinilala ang dalawa na sina Wang Dingku, 31, at Su Zhengkun, 25, na pawang nakanditine ngayon sa BI holding facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang nasa proseso ang deportation proceedings.
 
Ayon kay Viado, ang dalawang Chinese national ay hindi pinayagang umalis ng bansa at inaresto dahil napagalaman na nakapasok ito ng bansa gamit ang mga pekeng visa. | ulat ni Lorenz Tanjooco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us