Mas maiksi ang magiging pasok ng mga empleyado ng Senado bukas, January 9, dahil sa inaasahang epekto ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Sa ibinabang advisory ni Senate Secretary Renato Bantug, nakasaad na hanggang alas dos lang ng hapon ang pasok ng mga taga-Senado bukas dahil sa inaaasahang pagsasara ng ilang mga kalsada at traffic rerouting sa ilang bahagi ng metro manila dahil sa Traslacion ng Nazareno.
Papayagan naman na magpatuloy ang mga nakatakdang Committee hearings, techical working groups at iba pang meeting kaya inaatasan pa rin ang mga nakatalagang staff na magpatuloy sa kanilang trabaho.
Hindi naman sakop ng shortened work hours ang mga tauhan ng office of the Sergeant at Arms at Maintenance and General Services Bureau ng Senado na sumusunod sa shifting schedule. | ulat ni Nimfa Asuncion