Hiniling ngayon ni Baguio Rep. Mark Go sa SSS na suspindihin muna ang pagpapatupad ng contribution hike nito ngayong taon dahil sa epekto ng inflation.
Sa kaniyang House Resolution 2157, iginiit ng mambabatas na huwag na muna ituloy ang 15 percent na taas sa kontribusyon dahil sa nagtataasang presyo ng bilihin.
Giit pa ng mambabatas tumaas ang kita ng SSS noong 2023 ng 15.6 percent o katumbas ng ₱353.82 billion mula sa dating ₱306.16 billion noong nakaraang taon, kaya naman kakayanin nito na hindi muna ituloy ang contribution hike.
Kailangan din ani Go na ayusin muna ng SSS ang pangongolekta nito ng mga kontribusyon mula sa mga delinquent employers.
Batay sa report ng COA, nakakolekta lang ang SSS ng P4.581 billion o 4.89% lang ng expected collections para sa taong 2023 na ₱93.747 billion. | ulat ni Kathleen Forbes