Welcome para sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang naging desisyon ng Supreme Court na nagpapatibay sa kapangyarihan nito na pangasiwaan ang generation at supply sectors ng electric power industry.
Sa desisyon ng Korte Suprema noong August 1, 2023, muling pinagtibay ang mandato ng ERC alinsunod sa Electric Power Industry Reform Act of 2001.
Ayon sa Korte Suprema, may karapatan ang ERC na magpalabas at magpatupad ng mga alituntunin para sa Automatic Adjustment of Generation Rate at System Loss Rates ng mga Distribution Utilities.
Nilinaw ng Korte Suprema na bagama’t hindi itinuturing na public utilities ang generation at supply sectors, nasa ilalim pa rin ang mga ito ng regulasyon ng ERC.
Ayon kay ERC Chairperson at CEO Monalisa Dimalanta, patuloy na ipatutupad ng komisyon ang kanilang mandato sa ilalim ng EPIRA law upang maprotektahan ang industriya laban sa pang-aabuso at mga iregularidad. | ulat ni Diane Lear