Pangungunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia ang muling pagbubukas ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Kampo Crame.
Ito’y bilang bahagi pa rin ng paghahanda para sa nalalapit na Halalan sa darating na Mayo 2025.
Sasaksi sa naturang okasyon sina Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr., at iba pang opisyal.
Sa NEMAC makikita ang ‘real time’ situation sa mga polling center sa buong bansa sa mismong araw ng Halalan, mula sa pagbubukas ng mga presinto hanggang sa pagbibilang ng mga balota.
Una rito, tiniyak ng PNP ang kanilang kahandaan para sa pagsisimula ng election period simula January 12 na tatagal hanggang June 11.
Kasabay nito, muling ipinaalala ng PNP na sa naturang panahon din, paiiralin ang Nationwide Gun Ban na layuning masigurong ligtas, tahimik at mapayapa ang gagawing halalan. | ulat ni Jaymark Dagala