Pamamanata sa Poong Nazareno, ipinapasa sa anak ng ilang deboto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming deboto ang isinasama ang buong pamilya kahit ang maliliit na anak sa pamamanata ngayong Kapistahan ng Poong Nazareno.

Isa sa mga nakapanayam ng RP1 team si Kuya Dante na dumayo pa mula sa Antipolo para makipista sa Quiapo Church.

Ayon sa kanya, sanggol pa lang ang kanyang anak ay talagang sinasamahan na niya ito tuwing Pista ng Nazareno para maaga itong mamulat sa pasasalamat sa mga pagpapala ng Hesus Nazareno.

Ginagawa rin aniya nila ito dahil naging hiling din nila noon sa Poon na mabiyayaan sila ng anak.

Kanya-kanyang diskarte naman ang mga magulang para masigurong ligtas ang karanasan sa Traslacion ng kanilang buong pamilya.

Ayon kay Nanay Roda, tinitiyak niyang lagi niyang hawak ang anak at hindi nakikipagsiksikan para hindi mapahamak ang anak.

Mahalaga rin daw na may baong pagkain, tubig at sapin para maging kumportable ang anak.

Hindi rin hinahayaan ng mga magulang na maglakad ng nakayapak ang kanilang anak para hindi masugatan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us