Expansion ng International Container Terminal Services sa Maynila, suportado ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuportahan ng Department of Transportation ang expansion ng International Container Terminal Services, Inc. sa Manila International Container Terminal.

Target nito na itaas ang berthing capacity at masiguro ang efficiency ng cargo movement.

Sa inspeksyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa MICT at groundbreaking ng Berth 8, nagpahayag ito ng suporta sa konstruksyon ng bagong cargo docking site na tiyak na makakadagdag sa kapasidad at magreresulta sa mataas na trading volumes.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang DOTr sa Department of Human Settlements and Urban Development upang i-relocate ang informal settlers na maaapektuhan ng pagtatayo ng access roads patungo sa berth o dock site.

Sinabi ni Bautista na inalok na rin sa DHSUD ang mga lokasyon kung saan maaaring magtayo ng pabahay lalo’t mayroon pang proyekto ang DOTr na mangangailangan ng resettlement sa informal settlers.

Ang MICT Berth 8 ay may sukat na apatnaraang metro at labindalawang ektarya ng yard space na kapag nakumpleto ay magkakaroon ng annual capacity na 3.5 million TEUs. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us