Panukalang modernisasyon ng Bureau of Immigration, pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 287 na mambabatas ang bumoto upang pagtibayin ang House Bill 8203 o Immigration Modernization Bill.

Ang naturang panukala ay kasama sa LEDAC priority measures ng Marcos Jr. administration.

Sa pamamagitan ng panukala ay aamyendahan ang Philippine Immigration Act of 1940 upang lalo pang mapalakas ang BI at makasabay sa “international developments” pagdating sa pagsawata ng human trafficking, illegal recruitment at monitoring ng mga terorista, sex offenders at iba pang illegal aliens na papasok sa bansa.

Ayon pa kay House Speaker Martin Romualdez, panahon nang maisabatas ang panukala na makailang ulit nang inihahain sa Kongreso.

“This bill’s importance cannot be overstated, being one of the listed Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bills. It is two-pronged in that it will improve travel experience and at the same time tighten up our border security. This measure is also a long time coming, as it has been filed and re-filed for around 20 years. A lot of technologies have changed in that span of time and this bill ushers the BI into the digital age,” ani Romualdez.

Kabilang sa probisyong nakapaloob sa panukala ang pagtatatag ng isang Immigration Trust Fund na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa P1.2-billion mula sa kita ng ahensya na gagamitin para sa modernisasyon at professionalism sa buong Kagawaran; at pagbili ng mga bagong gamit at pasilidad.

Maliban dito ay itataas din ang sweldo ng immigration officers ng dalawang baitan.

Mula sa kasalukuyang Salary Grade 11 ng Immigration Officer 1 ay magiging SG13 na ito oras na maisabatas ang panukala.

Bukod pa ito sa pagbibigay ng night shift differential at overtime pay salig sa umiiral na mga batas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us