Calapan City Police, tinukoy na ang suspek na pumatay kay SEA Games gold medalist Mervin Guarte; kasong murder inihahanda laban sa tricycle driver

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukoy na ng Calapan City Police ang suspek sa pananaksak at pagpatay kay SEA Games gold medalist Mervin Guarte.

Ayon kay Calapan City Police Chief LtCol. Roden Fulache, kinilala ang 31-taong gulang na tricycle driver bilang suspek na residente rin ng Calapan City.

Lumabas sa imbestigasyon na may matagal na kinikimkim na galit ang posibleng motibo sa krimen.

Sa kasalukuyan, kinukuhanan pa ng sworn statements at affidavit ang mga testigo, kaya inaasahang sa susunod na linggo maisasampa ang kasong murder laban sa suspek.

Patuloy naman ang manhunt operation ng mga awtoridad upang madakip ang suspek. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us