Buhay na buhay ang komersyo sa Muslim Community sa Quiapo ngayong isinasagawa ang Traslacion 2025.
Patok sa mga deboto ang mga pagkaing Maranao na bukod sa mura na ay masarap pa.
Kabilang sa mga pinakamabili sa isang kainang naghahain ng mga pagkaing Maranao ay Pater at Pastil.
Ayon kay Ella Badar, isa sa mga nagtitinda ng pagkaing Maranao sa Arlegui Street, limang taon na silang nakapuwesto rito.
Katunayan aniya, natutuwa sila dahil nakikilala ang kanilang mga pagkain na tinatangkilik ng mga lokal at dayuhan. | ulat ni Jaymark Dagala