Pinapurihan ni House Committee on Government Reorganization Chair Jonathan Keith Flores ang mabilis na pag-aksyon ng Department of Budget and Management (DBM) sa implementasyon ng ₱7,000 na madical allowance para sa lahat ng kawani ng pamahalaan.
Malaking tulong aniya ito, para mapunan ang kakulangan ng PhilHealth na ipatupad ang Universal Health Care Act.
Sa pamamagitan ng medical allowance ay mabibigyang access aniya ang mga empleyado ng gobyerno sa health maintenance organization (HMO) services mula sa private sector providers.
Malaking tulong aniya ito lalo at hindi naman din kalakihan ang naibibigay na tulong sa ngayon ng PhilHealth.
Paalala naman niya sa mga government employees na gamitin sa tama ang naturang medical allowance. | ulat ni Kathleen Jean Forbes