Mas mabigat na parusa sa bentahan ng iligal na tobacco products, tinalakay na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan nang talakayin ng Ways and Means Committee ang panukala na layong tugunan ang lumalalang illicit tobacco trade sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 10329 ni Albay Representative Joey Salceda, magpapataw ng mas mabigat at magkakaibang parusa depende sa paglabag.

Giit niya, na ang bentahan ng ipinuslit at iligal na tobacco products ay nauuwi sa hindi nasisingil na buwis, na nakakabawas naman sa pondo na inilalaan sa Universal Health Care Act. 

Pinapahina rin aniya nito ang institusyon ng pamahalaan at nagiging daan pa para sa iba pang iligal na aktibidad.

Kasama sa panukala ang pagbuo ng Inter-Agency Tobacco Illicit Trade Council na pamumunuan ng Department of Finance (DOF), para masawata ang iligal na bentahan ng naturang mga produkto.

Mayroon ding probisyon kung saan may atas sa digital platforms na tiyakin na walang naibebentang iligal na tobacco products sa kanilang online shops. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us