P58 per kilo maximum suggested retail price sa imported rice, ipatutupad na ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na epektibo sa January 20 ay ipatutupad na ang P58 kada kilo ng maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas.

Kasunod ito ng konsultasyon ng Department of Agriculture (DA) sa importers, retailers, at rice industry stakeholders.

Inisyal na ipatutupad ang MSRP sa Metro Manila para sa ‘5 percent broken’ imported na well-milled at regular-milled na bigas.

Mandatory ito maging sa mga imported rice na ibinebenta sa mga supermarket at groceries.

Ayon sa kalihim, layon ng MSRP na mabalanse ang presyo ng imported na bigas sa merkado at masigurong ito ay patas para sa mga magsasaka at rice industry at abot kaya sa mga mamimili.

Paliwanag nito, batay sa kanilang kalkulasyon, ang bentahan ng 5% broken imported rice ay hindi dapat lalagpas sa P58 kada kilo.

Magkakaroon naman ng buwanang review sa MSRP kaya pwedeng magbago ito kada buwan.

“This MSRP aims to strike a delicate balance between business sustainability and the welfare of consumers and farmers. We must ensure the price of rice is fair and affordable even as we make sure that the rice industry remain profitable. We cannot allow the greed of a few to jeopardize the well-being of an entire nation,” Secretary Tiu Laurel.

Una nang iginiit ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., na wala na dapat P60 na kada kilong imported rice na nakikita sa merkado dahil maituturing na itong ‘profiteering’. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us