Dagdag na opsyon ng murang bigas, ibebenta na sa Kadiwa ng Pangulo kiosks

Facebook
Twitter
LinkedIn

Madadagdagan pa ang opsyon sa murang bigas ng mga suki sa Kadiwa ng Pangulo kiosks na nakapwesto sa iba’t ibang palengke at piling istasyon sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., inatasan na nito ang Food Terminals Inc. (FTI) na simulan ang pagbebenta ng apat na klase ng bigas sa mga Kadiwa kiosk.

Maaaring pumili sa 5% broken (RFA5) sa presyong P45 per kilo, 25% broken (RFA25) sa presyong P40/kilo, at 100% broken (RFA100) o mas kilala bilang Sulit Rice sa P36 per kilo.

May ibababa ring P29-per-kilong bigas na nakalaan sa mga mahihirap na sektor kabilang ang mga benepisyaryo ng 4Ps, may mga kapansanan, senior citizens, single parents at mga katutubo.

Bukod dito, ang bigas na inimbak ng National Food Authority (NFA) nang hanggang dalawang buwan ay ibebenta na rin ng local government units (LGUs) sa Metro Manila sa presyong P38 per kilo.

“This initiative will help the NFA clear its warehouses in preparation for the upcoming harvest season,” Secretary Tiu Laurel noted. “Our warehouses are filled to capacity, and I have directed NFA administrator Larry Lacson to have the rice milled immediately so we could saturate the market with fairer-price rice as we make space for the palay we plan to procure at a minimum of P23 per kilo for clean and dry this season.” -Sec. Tiu-Laurel

Target ng kalihim na mapalawak ang bentahan ng murang bigas nang hanggang 180 Kadiwa ng Pangulo Kiosks sa bansa, bago matapos ang buwan ng Pebrero. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us