Dumating na sa Isla ng Negros ang 1,350 family tents mula sa USAID Philippines at World Food Programme na gagamitin sa paglikas ng mas maraming residente, sakaling pumutok ulit ang Bulkang Kanlaon.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Western Visayas Spokesperson Maria Christina Mayor, ang mga family tent ay dadalhin sa identified tent cities sa Himamaylan City at Pontevedra sa probinsya ng Negros Occidental.
Ang nasabing mga lugar ay tatanggap ng evacuees sa Bayan ng La Castellana.
Sakaling pumutok ulit ang Bulkang Kanlaon, mas maraming residente ang maaapektuhan na kailangang ilikas lalo na sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental at Canlaon City, sa probinsya ng Negros Oriental.
Kaya’t mahalaga ayon sa OCD na mapaghandaan ang worst case scenario para sa kaligtasan ng lahat.
Tiniyak ng OCD Western Visayas sa mga residente ang wala patid na tulong ng pamahalaan, para sa mga apektadong residente ng pag-alburoto ng bulkan. | ulat ni Paul Tarrosa, Radyo Pilipinas Iloilo
đź“· Civil Defense Western Visayas